Challenges Of A Kdrama Fan

zdxhappywedding.life_korean series_legend of the blue sea_7

I started this trend last April because I felt the urge na ipaalam sa ibang tao na hindi madaling maging isang kdrama fan. Yes, it might seem na madali, pero sa totoo lang, there are lot of struggles. Pero when you do something you love, kayang kaya yan!

“Fangirling/boying is hard, pero para kay oppa fighttting!”

17904355_482208425443824_4068953599363214080_n.jpg

Common scenario na sa isang kdrama fan ang matanong kung naiintindihan ba yung pinapanood nila. Oo, totoo naman na hindi mo naiintindihan, pero may English Subtitle or Eng Subs naman to help you understand what they are saying. Minsan pa nga, sa sobrang excited mo na mapanood yung episode, kahit wala ng eng subs okay lang, kahit nosebleed na, go parin, magtatyaga ka nalang sa actions ng actors, kapag tumawa sila tatawa nalang sila, kapag umiyak sila, iiyak nalang din sila. Isa pang struggle ng kdrama fan ay kapag yung “eng subs” ay nagiging “eng eng subs”, yung tipong mali yung translation or hindi sabay sa boses. Ito yung mga times na ikaw nalang parati ang mag-aadjust pero no choice naman kasi ginusto mo ‘to bes.  Still, let’s be thankful sa mga eng subbers out there na nag eeffort na mag translate.

“Shout out to all English Subbers out there, you are awesome! You are our way of understanding thekdrama world.. our oppas. Saranghaeyooo Gomawoyo.”

17903865_482208435443823_5924260739301196726_n.jpg

VISA. Ticket. Distanceeee!!! Ang layo ni oppa sa Philippines, sabi nga sa google halos 2,628 km ang layo ng South Korea sa Pilipinas. Ang lakas maka Long Distance Relationship, pero pagdating kay oppa, distance is just a number.

Sa sobrang pagkahumaling mo sa korea, nasa top ng bucket list mo ang malanghap ang hangin sa South Korea, motto mo na ang “my Soul belongs to Seoul”, ang  makapag selfie sa mga kdrama locations at makita in person ang building ng agencies ng mga kpop idols mo.  Sabi pa nila mataas ang chance mo na makasalubong or makita ang idol mo kapag hindi mo sila kilala. Kaya nga bes… #WhatisOppa? #WhatisKdrama? #WhoisSongJoongKi? #WhatisHigop? #WhatsisNumber4? #WhatisAnnyeongHasseyo? Nakakain ba yun? Hahahaha.  Pero the sad reality is meron tayong 1% chance na makita at makapagselfie kay oppa kahit pa nasa South Korea tayo.  1% bes!  PERO! Isang malaking pero, always remember na.. “1% is still a chance, a possibility, at hindi malayong makausap o mahawakan o maging friend natin si oppa or idol natin.”

“With God, all things are possible.”

– From Park Bo Gum’s twitter page bio.

17757430_482212345443432_1526148805388280586_n.jpg

Nasa  Korea ka na. Ayan na naaamoy mo na ang hangin sa SoKor. Feel na feel mo na isa kang leading lady sa isang kdrama about “fangirl at hot CEO na oppa” na naghahanap ng girlfriend pero may contract kayo, mga 31 days, kasi yun lang ang kaya ng VISA mo (hahaha), at ipapakilala ka niya sa family nya pero hindi ka tanggap ng evil eomma nya kaya magkikita kayo sa coffee shop at aalukin ka nya ng brown envelope na may lamang pera pero hindi mo tatanggapin kaya bubuhusan ka nya ng tubig sa mukha, with matching intense music playing, biglang lalabas na yung “to be continued..” ayun episode 2 na.

Ang lakas talaga maka Korean drama ng feeling pag nasa South Korea ka na. Pero ang tanong okay pa rin ba kung wala ng English subs? Kung ongoing na ang kdrama at walang live subber? Ang hirap bes. Kaya feeling ko kapag nasa harap mo na si Oppa, mag titigan lang kayo at only Annyeong, Saranghae, Kamsahamnida, Chogiwa nalang ang masasabi mo sa harap niya.

Mahirap din lalo na kung finofollow mo sila sa mga SNS accounts nila, naka Korean lahat, tinitingnan mo nalang talaga yung pictures nila, at kapit sa See Translation na ikaw pa rin ang mag aadjust.  Hangul?

“Kdrama is life, pero eng sub is lifer”

17903521_482208448777155_2825003571923495513_n

IPONing is real!!! Kapag may mag aanounce na merong magko-concert o may fanmeet sa Pilipinas, hindi mo na alam kung san ka kukuha ng pang ticket. Inuumpisahan mo ng suyuin ang parents mo para lang payagan ka o bigyan ka ng pambili.  #TeamBahay is real din kadalasan. Asa nalang sa mga fancams at twitter update. Masakit pero kailangang tanggapin na hanggang screen mo naman sila makikita.

Same feeling din kapag may nakita kang kdrama and kpop merchs, kahit na mahal pa yan or may shipping fee pa yan, bibilin mo pa rin. Ganun ka parin ka-supportive kay oppa. Kahit official or unofficial pa yan, para sayo legit na legit yan.  Nandyan pa nga yung tipong kulang nalang ay palagyan mo  pa ng “fragile” na sticker yung parcel, para lang hindi ma damage yung merch.

Mahirap talagang maging fan, ay let me rephrase it, “mahal” palang maging fan, hindi lang feels ang kailangan, fera din. Sana kasing dami ng feels ko ang pera ko. Kaya dapat bes, mag-aral at mag-trabaho ka ng maiigi para may pambili ka ng merch ng favorite kdrama or kpop idol mo.

“Feels is important, but Fera is importanter”

17759784_482208482110485_4227756874741070673_n

Halos lahat ng kdrama may mga scenes na sobrang mouth watering, at hindi pwedeng mawala ang ramen scenes. Kung matagal ka ng kdrama fan, pati halos way nila ng pagluto at pagkain ng ramen alam mo na. Ang sarap sarap nilang panoorin habang kumakain. Iba ang ramen nila, dito sa Pinas, pancit canton ang katapat nyan. Sa size palang ng serving magkaiba na kasi mas marami ang ramyeon/ramen. Pero kapag kumakain ka ng pancit canton, feeling ramen na rin. Uy bes aminin mo nag-uwi ka rin ng chopstick sa Chowking??! Hahaha.

Kimchi is a Korean staple food, parang atsara sya ng Pilipinas. Dito sa atin, medyo mahal ang Kimchi, well of course mas mura sa mga Korean restaurants pero sa katulad kong bumibili lang sa mga grocery store medyo pricey siya, pero para sa kimchi, laban!

Ay bes, nakalimutan ko palang sabihin na maanghang ang kimchi,  kung hindi ka fan ng maanghang na mga pagkain, hindi ka makakatagal sa pagkain ng ramen at kimchi or most of the korean foods. Malamig kasi sa korea kaya mas prefer nila ang spicy foods para pampaiinit ng body temperature. Dito sa Philippines, maiinit at kapag kumain ka pa ng sobrang anghang, magsu-swimming ka na sa sarili mong pool of sweat. Pero dahil nga It’s more feels in the Philippines, pipilitin mo parin na kumain ng ramen at kimchi kahit ang anghang anghang na.

17798990_482208505443816_2673865851931904447_n.jpg

Hindi lang anghang ang kalaban mo bes sa mga Korean food. Nandyan ang chopticks. Malamang sanay na sanay ka ng mag gumamit  pero naalala mo ba yung pinaka unang beses mong makahawak ng chapistik? Ang tanong nahawakan mo ba? Hahaha. Naalala ko nung sa Chowking ako unang nakagamit ng chapistik, excited na excited pa nga ako kasi feel na feel ako ako si Geum Jan Di. Humingi pa talaga ako ng extra chopstick para mai-uwi ko sa bahay.  Pero ngayon, expert na expert na syempre, kahit pa butil ng bigas kayang kaya mo ng kunin. Lahat talaga nakukuha sa tyaga. Sabi nga nila “kapag may tyaga, may kimchi”.

“Ang ramen ko marami pa, pero yung tubig ko konting konti nalang”, sabi ko… sabay inom ng tubig.

17903496_482208588777141_6845714301580757951_n.jpg

Korean Drama MARATHON! Literal na marathon bes kasi para silang tumatakbo sa bilis maglabas ng bagong drama. Usually ang isang Korean drama series ay tumatagal ng 16 episodes, minsan umaabot ng 20 episodes. Meron ding instances na na eextend yung kdrama depende sa rating nila sa Korea. Meron din naming napapaikli. Pero kadalasan kdramas lasts for 3 months. After 3 months, move on na ulit bes.

Maraming genre ang kdramas pero pinaka favorite ko Romantic Comedy. Masarap kasing panoorin, magaan sa feeling. As a kdrama fan na updated lagi, mahilig akong manood ng ongoing kdramas, meaning sinasabayan ko yung airing nila sa korea, oo, kahit hindi ko maintindihan, go parin bes. Hihintayin ko nalang yung release ng eng subs, 1-2 days after.

17861550_482208215443845_8713335179831007968_n

As a kdrama fan isang matinding kalaban ko ang pimples at eyebags. Kadalasan kasi napupuyat ako sa kdrama. Ang hirap kasing mabitin sa isang episode. Because in kdrama we don’t say bes isang episode pa matutulog na ako, instead we say, bes isang episode nalang matatapos na ako.

Uy May Kdrama! Uy may kdrama ulit! Uy may Krama ulit! Dahil nga mahilig ka sa kdrama. 24/7 kang nanoood. At bes, mind you, kung naiinip ka sa traffic, effective na pang alis ng inis at boredom ang panood ng kdrama sa sasakyan (Pero mag-ingat lang din ha).

Dahil nga Filipino fans tayo, mas lalong magiging challenge ang panonood ng mga kdramas at music videos. Minsan nga yung feels mo nag paputol-putol rin, sumasabay sa buffering nung video. Kasi tanggapin man natin o hindi, kung anong bilis ng internet sa South Korea, ganung kabagal naman ang internet sa Pinas, yung iba pa nga naka free data lang kaya asa nalang din sa “bes pasend naman sa messenger”, ang saklap talaga ng #FreeDataProblems.

As a fangirl isang malaking dagok ang mawalan ng internet connection kasi yun lang ang connection ko kay oppa. Pero bes, remember, kahit gano kabagal pa yan, ta-tyagain yan ng mga fangirls/boys kasi, aja lang ng aja!

Minsan pa nga kaya pa ng feels mo pero yung memory ng phone storage mo sumusuko na kakasave ng videos at pictures ni oppa. Yung battery mo naka dextrose na sa socket dahil hindi ka pwedeng malowbat.

Normal na challenges lang yan ng avid kdrama fans. Medyo OA talaga pero ganun talaga pag intese ang feels. OA pero masaya. At yun ang importante. Happy… well unless ending yan ng Chisindatrap at Skarlethartryo. Hahahaha.

“So many kdramas, so little time.”

Pataas ng pataas ng standard mo sa lalaki, kaya pababa ng pababa ang chance mong magka boyfriend.  Masakit pero realtalk bes eh. Pero bes, standards lang naman. Kapag dumating naman ang right peson para sayo, kahit anong lahi pa siya, siya parin ang sasabihan mo ng saranghaeyo~.

Madalas naririnig mo sa ibang tao na kung bakit ka parin nag fafangirl or fanboy eh matanda ka na, you’re to old for this and that. Pero bes, remember. Fangirling has no age limit. The more we age, the more na mas intense ang feels.

“To be honest there are still people who will judge you for being o kdrama/kpop fan, but you know what, as long as you are happy with what you are doing, don’t mind them.”

****

Meron ka pa bang ibang challenges as a kdrama fan na gustong idagdag? Just post it in on any of your social media accounts and use this hashtag #ChallengesOfAKdramaFan and let it all out. Or message me 🙂


THANK YOU FOR THE FEATURE

kstreetmanila

http://www.kstreetmanila.com/2017/04/challengesofakdramafan-tops-twitter-trends-on-maundy-thursday-evening/

Written by: Annyeong Oppa (Anj)

Advertisements


Categories: album, concert/events, fashion, feels, food, gadget, kdrama, kmovie, kpop, meme/fanart, travel

Tags: , ,

21 replies

  1. Aigooooo. Etong eto bes eh haha 😀 Yung struggles eto talaga. But for Oppa, Go lang ng Go, we find ways hahahaha 😀 Thank you for this uunie anj ❤ Saranghaeyo ❤

    Like

  2. “Kaya dapat bes, mag-aral at mag-trabaho ka ng maiigi para may pambili ka ng merch ng favorite kdrama or kpop idol mo.” LOVE THIS! ❤ Thank you, annyeongoppa. 💋 The struggle is real talaga sa pagiging fangirl ng kdrama. Haha. But it’s really worth it. 😊

    Like

  3. The struggle is real talaga kapag nanunood ka the same week as the show is aired in Korea, and you have to wait another 5 days for the next episode kasi todo ang pagka-hang sa cliffhanger ending ng episode!

    Liked by 1 person

  4. Yung Tipong gustong gusto mong Tapusin yung isang kdrama ng walang tulugan hahaha kaso yung nanay ko bes Papatayin nya daw yung Wifi Kapag Hindi pako natulog! Kaya syempre natakot ako kaya Natutulog nako kapag 2:00am na HAHAHAHAH. Minsan 1day ko lang natatapos yung Isang kdrama Tapos Start ulit ng bagong kdrama Pero Minsan 2days Hehehe. Kapag may Pasok 6days Kase Madaming Projects assignments Kaya Pag stress nako Nanonood lang ako ng kdrama 😊😌😌 Ang haba na ng Comment ko BTW THANK U FOR THIS ATE ANJ!

    Liked by 1 person

  5. Same po tayo.. dati po talaga nun di ako masyadong addict sa Kdrama mahilig po ako manood pero di yung kasing intense gaya ngayon na halos wala na kong tulog makapanood lang tapos nagsisipag din para di mapagalitan ni mommy at mapatigil sa panonood ng Kdrama.

    Liked by 1 person

  6. HAHAHAHA I feel you bes , Lalo na pag suntukan or intense na yung Kdrama tapos pagtingin mo sa oras 1am na HAHA Struggle is real talaga eyy 😂! Lalo na pag bet na bet mo ang 2nd lead , tapos may kidnapping scene or may revealing scene tapos pagtingin sa oras Lols 2AM na ! Ang labas , Laki ng eyebags . HAHAHA 😂😂

    Liked by 1 person

  7. Kapag Kdrama fan 12:00 midnight is so early to sleep hahaha. Annyeong 2:00am squad! Radiation pa hahaha. Hwaiting!

    Liked by 1 person

  8. Whaaa This article made
    My Day grabeh sa ilang years ko na panonood at pagstalk sa mga oppas ko whoo haha ito lahat andito na kompleto haha I LOVE THIS ARTICLE soo much 😍😍 ung ang bilis nilang magrelaease ng kdrama haha ung chopsticks haha 😍😍

    Liked by 1 person

  9. Samr feels.. Lam mo yung feeling na kahit wala kang jowa ee, masaya ka naman dahil sa kdrama at sa never ending lists of oppas.. Haha.. But well may advantage din nman yung pagiging kdrama addict, naeenhance yung reading skills mo sa english(kelangan ng mabilisang pagbabasa syempre pati yung comprehension diba?) Hinding hindi ako magsisisi na naumpisahan at naging fangirling ako ng mga oppa, ajhussi o ng mga female lead character pa man yan lalo na ng kdrama.. Yun nalang ang kasiyahan at lovelife ko… 😁😍Yung eyebags ko, pinaghirapan ko to.. 😂I love being a fan… Kdrama is Life.. 😚

    Liked by 1 person

  10. Same feels.. Lam mo yung feeling na kahit wala kang jowa ee, masaya ka naman dahil sa kdrama at sa never ending lists of oppas.. Haha.. But well may advantage din nman yung pagiging kdrama addict, naeenhance yung reading skills mo sa english(kelangan ng mabilisang pagbabasa syempre pati yung comprehension diba?) Hinding hindi ako magsisisi na naumpisahan at naging fangirling ako ng mga oppa, ajhussi o ng mga female lead character pa man yan lalo na ng kdrama.. Yun nalang ang kasiyahan at lovelife ko… 😁😍Yung eyebags ko, pinaghirapan ko to.. 😂I love being a fan… Kdrama is Life.. 😚

    Liked by 1 person

  11. Lakas ng tawa ko dito! You’re the man, gurl! Hindi pa ko nakakapunta ng Korea pero alam ko na kung san ako pupunta. Pero ang pinaka importante e yung makabili ako ng copper pot at isang damakmak na banana milk in original package.

    Buti na lang at maraming Korean marts dito kaya naitatawid ng konti ang ka fangirlan kahit man lang sa maliliit na bagay.

    Share ko lang. Last month nakakita ako finally ng original na banana milk package sa isang KMart. Ang tili ko talaga sa asawa ko. Nagulat lahat sa store kasi para daw ako nakakita ng artista! ✌😂😁

    Liked by 1 person

  12. I cant help but to comment. Bes, nalagay mo na ata ang lahat ng feels sa pagiging kfangirl! hahahaha…

    “Nasa Korea ka na. Ayan na naaamoy mo na ang hangin sa SoKor. ” Juice ko bes, nung pag labas ko ng eroplano, d ko alam kung ano ang gagawin ko, tatakbo ba or dahan dahanin ko ang pag lakad pa puntang immigration! hahahahaha… At bes, pag linya na pag linya ko sa immigration, ready na ang lahat ng “annyeonghaseyo” ko, pero waley na tulala ang dila ko at english na lahat lumabas. hehehehehe

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: