FANGIRL GOALS ACHIEVED: Meeting Kdrama Oppas in Person!!!

Being a kdrama fan, I feel so blessed to be able to meet them personally and up close, my kdrama feels really intensified when slowly i am getting to see them not just on my screen but live, just keep the faith, lagi ko ngang sinasabi bes, feels lang ng feels hanggang yung feels mo dalin ka sa harap ni oppa!

So far this is the list of all the Oppas I saw in person and up close. Sobrang nagpapasalamat din ako na most of the kpop idols now are into kdrama kaya halos lahat sila nakita ko dahil may concert sila dito sa Pilipinas.

1. Do Kyung Soo

Popularly Starred in: It’s Okay That’s Love, Hello Monster, Cart, My Annoying Brother. 

do

Mahal na mahal ko si Do Kyungsoo. Bias ko talaga siya bes sa EXO. Siya talaga ang dahilan kung bakit nanumbalik ang pagmamahal ko sa kpop! Nung napanood ko siya sa It’s Okay That’s Love, nainlove na naman ako. Ang talented nitong si Penguin. Sobrang galing umarte. Sobrang galing kumanta. At sobrang pogi bes. Walang pores. Jusko bes, kahit na pang totoy yung buhok nya, pamatay parin talaga bes!

Nung nakita ko siya nung ExordiumInManila, halos mahimatay ako nung tinawag ko yung name nya, tapos kumaway siya. Malapit ko nang akyatin yung barrier. Soon, mahahawakan din kita.

Kyungsoo, DO me!

2. Onew

Popularly Starred in: Descendants of the Sun

onew

Syempre naman bes, favorite ko ang Descendants of the Sun, yun ang bread and butter ng Annyeong Oppa page. Kaya naman nung nakita ko siya in person, nagbalik lahat ng feels ko sa DOTS. Akala ko talaga naka move on na ako. Jusko bes, HINDI pa pala.

Favorite group ko ang SHINEE. Sila ang unang kpop group na nakilala ko. Kaya super masaya talaga ako na finally nakita ko na siya.. sila.

Chikin king! Iiyak na yan! Iiiyak na yan! Labyu Onyu!

3.  Yook Sung Jae 

Popularly Starred in: Goblin, Who Are You 2015

sungjae

Sa Goblin ko lang talaga siya napanood bes, pero super galing nya dun. Si credit card boy hahaha. Nakaka aliw ng sobra yung character nya. Parang in real life, sobrang kalog niya, at super pogi. Dahil din sa kanya sinearch ko ng bonggang yung group nya na BTOB. Ang galiiing nila!

Pakituruan naman mag sayaw ng ganyan mga samcheon mo.

4.  Jinyoung 

Popularly starred in: Love in the Moonlight

jinyoung

Ang cute cute niya bes! Hindi ko alam kung anong right term para i-describe siya. Ayan, ng dahil din sa kanya napa search ako ng info about sa B1A4. Hahahaha.

Uy, promise you will forever live in my heart.

5. Baekhyun

Popularly starred in: Scarlet Heart Ryeo

baekhyun

Ano ba Baekhyunnnnn???!!! Hahahaha. Di ko alam kung maiiyak ako o kikiligin o tatawa nung nakita ko siya in person. Nung ExordiumInManila tinawag ko siya ng “Wang Eun, Wang Eun!”, nagulat ako biglang napatingin. Siguro kahit siya di pa rin maka move on sa character nya. Hahahahaha.

Wang Eun! Pakisabi kay Scarlet Heart Rye Writer-nim, SEASON 2!!!

6. Chanyeol 

Popularly starred in: Missing 9

chanyeol

Ang gaslaw gaslaw. Ang tangkad tangkad. Ang cute cute. Sobrang na  CHANYEOLED ako nung Exordium bes. As in sobrang lagi siya dun sa area namin tapos kung anu-ano ang ginagawa. Nandun yung hihiga sa sahig, tapos talon ng talon, sayaw ng sayaw. Basta ang gaslaw niya. Hahahahaha. After nung concert, puro yung rap songs nya na lang ang pinapakinggan ko.  Pero ang tanong ko lang talaga, nasan ka na chanyeol. Missing Chanyeol talaga dapat ang title nun. Hahaha.

Yung pag rap nya bes, parang tinatamad na nakakainlove noh.

7.  Lee Jong Hyun 

Popularly starred in:  A Gentlemen’s Dignity, Orange Marmalade

jonghyun

Literal na hindi ako nakahinga nung tiningnan nya yung camera ko. Tagos hanggang puso ko yung tingin nya bes. Crush na crush ko talaga kasi siya bes. As in! Kahit yung mga weird post nya sa IG, pinapa ulit ulit ko pa. Kahit nga ang sakit sakit nung We Got Married episodes nya, pinapanood ko parin. Hay nako. Sana next time, mahawakan na kita! 

Bite me Oppa!

8.  Jungshin

Popularly starred in: Cinderella and the Four Knights 

jungshin

Ang dami dami nyang fans bes. Like everytime na hahawakan nya yung mic, mag sisigawan na yung mga tao. Pogi naman kasi bes! Bagay na bagay sa kanya yung blon hair nya. Jusko bes!

Uy bes, kamusta na kayo ni Nanhee??? Hahahaha

9. Kai 

Popularly starred in: Andante, Choco Bank 

kai

Uy Kaiiii, wala naman lusawan. Eto bes pambato ko talaga to, eto talaga masasabi kong iba makatitig bes! Hindi ko naman kasi ineexpect na titingin sya sa camera ko tapos may balak palang manglusaw ng lens. Hahahaha. Grabe lang talaga bes. I feel so blessed. Jusko Kai!

Kai sarap mong tumingin!

10. Key

Popularly Starred in: Drinking Solo, Lookout 

key

Ang cute cute ni Key bes! As in!

Tirori tirororiroriroriri….

11.  Choi Min Ho

Popularly Starred in: To The Beautiful You, Hwarang

minho

Hwarang pagod itong si Flaming charisma bes! As in host na guest pa! Hahaha. Pero bes, super pogi at tangkad nya talaga in person! Jusko bes!

Hwarang tapos ang kapogian bes!

12.  Min Hyuk 

Popularly Starred in: The Heirs, The Entertainer 

minhyuk

Naconfirm ko talaga bes na sobrang cute nya talaga. Grabe!

The drummer boy na sure akong kakalampagin ang puso nyo! jUsko!

13. Oh Sehun 

Popularly Starred in: EXO next door

sehun

Hindi pa siya ganung ka exposed sa kdrama, pero ang pogi ng character nya sa EXO next door bes. Nung concert, hindi siya masyado nag sa-smile. Pero bes, jusko akala ko talaga runway yung stage. Sobraaaaaang perfect kahit na hindi ganung kapogi yung hairstyle nya. Siya talaga yung mapapansin mo bes! Iba ka sehun.

Mapapa OHHHH sehun ka nalang talaga bes!

14.  Suho 

Popularly Starred in: The Stars in our universe

suho

Rich kid talaga ang datingan ni Suho bes. As in! Tapos super bait din nya sa fans. Lagi siyang nagbabasa ng mga cards. Ako nga bes, sobrang tinaas ko lang yung lightstick ko, napatingin na agad siya. Grabe bes! Pogi.

So hot ni Suho!

15.  Taehyung

Popularly Starred in: Hwarang

v

Okay medyo fresh pa ang feels ko kay V kasi kakatapos ng BTS con, jusko bes, bakit ganun sobrang pogi nya? Hindi ko magets, BAKIT V!

Jusko Gucci Boy, next time hold me too! 🙂

16.  YongHwa 

yonhhwa

jUSKO BESSS! Hindi uso ang energy gap sa kanya. Kala ko talaga solo con ng CNBLUE yung OneKCon. As in super total perfomer si Yonghwa. Di ko nga alam bakit lagi siyang na sesecond lead nun. Pero at least sa Hearstrings bawing bawi siya.

YongHwalangkalma!!!!

17.  Jin Joo Hyeong

Popularly Starred in: Hwarang, Suspicious Partner

ju hyeong

Sorry na sa mukha bes. Hahahaha.

So ayun nga, so far ito yung pinaka malapit ko na encounter sa isang kdrama oppa. Sobrang pogi at bango nya bes! As in! Ang tangkad nya bes, nagmukha talaga akong organismo sa tabi nya. Jusko! Pero may manner legs naman siya, kaya medyo pantay kami nyan. Hahahaha. Ang pogi bes jusko!

I was given a chance to promote a Filipino-Korean Movie, “You With Me” ang title bes, kasama si Devon Seron sa movie and it will be released on September.

Sabi ko na eh, magnanakaw ka eh.. ng puso :>

18.  Kim Hyunwoo

Popularly Starred in: The Gentlemen of Walgyesu Shop, Pasta 

hyunwoo

Eto talaga ang pinaka favorite na oppa encounter ko bes! Hindi ko naman kasi ine-expect na yung finafangirl ko nung KBS awards night eh makikita ko in person. Sobrang bait nya talaga bes, sobrang cute nya din.

Cute. Shoot! My feels!

So ayun nga bes. Super thankful at blessed talaga ako na nabibigyan ako ng chance na maexperience sila.. ay nakita pala sila. Hahahaha. As a kdrama and kpop fan, makita lang sila in person sobrang malaking bagay na. Parang lahat ng pagod, puyat at pera ko sulit! Feels lang ng feels bes, keep the faith lang!

To be continued… (syempre looking forward for more oppas)

Written by: Annyeong Oppa (Anj)

Advertisements


Categories: Uncategorized

Tags: , , , , , , , , , , ,

15 replies

  1. I BADLY WANT TO MEET THEM OH GOD Not just to meet them but to be friends with them is my greatest fantasy, It sounds so impossible pero handa akong languyin ang dagat, kunin ang bituin at lunukin ang pride ko makamtam lang yung gusto ko. Nakakaloka.

    Like

  2. Kailan ko pa sila makita 😭 hangang team screen na lang ba ako huhu

    Like

  3. Thanks, Annyeongoppa! Feel na feel ko ‘yung pagbabasa nito. Haha. Sana makita ko din sila someday. ❤

    Like

  4. Ommo, I hope I can be like you. Pero sabi mo nga “Keep the Faith”.. Kaya i won’t stop dreaming and and feel the feels bes..hanggat may bukas, may pag-asa.. Malay natin someday maka punta ako sa S. Korea or sa mga concert nila.. ^_*..

    Liked by 1 person

  5. While reading this whole thing, nakangiti ako. Can’t help it. Thanks Annyeong Oppa 🙂 Feeling ko nameet ko na din sila through reading this ❤

    Liked by 1 person

  6. Nakangiti lang ako the whole time. Tuwang tuwa ako sa mga side comments mo. Nakakagaan ng feeling. Thank you for sharing this! ❤

    Liked by 1 person

  7. More thoughts about Taehyung-a? Siya lang talaga ang oppa ko, kaya pangalan pala niya nakita ko sa blog na’to kinilig na ako. Oh my gosh, my hearteu! Snob ba siya unnie? I badly want to meet him. Pano ka nga pala nakapagpa-picture, and hindi ba pwede mag take selfie with BTS? 😭 Hindi pa ako nakakapunta sa concerts nila e, gusto ko talaga maka-usap or maka-interact man lang kay V ahuhu.

    Liked by 1 person

  8. Your so lucky ate girl 😍😍😍
    Ever since naadik ako sa kdrama, i follow you on fb and ig ☺

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: